
Unti-unti nang nakikilalang muli ang Baybayin, isang sinaunang sulat ng mga sinaunang Pilipino. Kilala ito sa mundo bilang Alibata dahil inakala itong katulad ng Alifbata, ang alpabeto ng mga Arabo ngunit ito ay maling-mali. Baybayin ang tamang katawagan dito na nagmula sa salitang Tagalog na “baybay” o “to spell”.
Narito ang limang mga website na dapat ninyong bisitahin para magkaroon ng malalim kaalaman patungkol sa sinaunang sulat na Baybayin:
1. Sarisari etc. #


Ito ay unang inilunsad noong 1999 ni Paul Morrow, isang Canadian boom operator na nagkainteres sa mga bagay na patungkol sa Pilipinas.
Mula pa noon ay nagtatampok na siya ng mga content patungkol sa Filipino history, language at pop culture. Dito rin matatagpuan ang pinaka detalyadong artikulo tunkol sa sulating baybayin, ang Baybayin — Ang Lumang Sulat ng Filipinas. Mayroon din ditong artikulong nagtuturo ng baybayin, istorya ng Laguna Copperplate Inscription, at mga libreng font ng baybayin. Bisitahin ang kaniyang website sa paulmorrow.ca.
2. Baybayin Modern Fonts #


Baybayin Modern Fonts ang blog ni Norman de los Santos, isang Filipino-American graphic designer at developer na taga-California, na nagsimula pa noong 2016. Ang kanyang mga nilikhang font ay para sa mga sulat na Baybayin, Kulitan, Surat Mangyan, atbp. May mga workshop din siya na ginagawa lokal man at internasyonal na nagtuturo ng mga sulatin ng mga Pilipino.
Bukod sa mga libreng font na kaniyang nilikha, nilalaman din ng kaniyang blog kung papaano gamitin ang Baybayin On-Screen Keyboard sa Windows at MacOS (blog list here), at iba pa na matatagpuan sa nordenx.blogspot.com.
3. Baybayin #

Isa sa mga kilalang nagsusulong na palaganapin ang baybayin si Kristian Kabuay, ang may akda ng website na baybayin.com na nagsimula pa noong 2007. Siya ay isang Filipino self-taught artist nakabase sa San Francisco. Tulad ni Nordenx nagtuturo rin siya sa mga conference ng baybayin na nagsimula noong madiskubre niya ang simbolo para sa titik ‘Ka’ ng baybayin.
Bukod sa mga blog at art work niya, ipinalalaganap din niya ang abugida na ito sa mga social media sites tulad ng Instagram at Facebook.
4. Baybayin Archives #

Sa Baybayin Archives website naman ni Renan Pagador matatagpuan ang koleksyon ng mga artikulo, artworks, at iba pang mga bagay na may makikitang baybayin script na nakalagay tulad ng mga pelikulang gumamit ng baybayin sa kanilang mga poster, pasaporte, at mga mobile application. Ito ay nagsimula noong 2010. Bisitahin ito sa rapcom-archives.blogspot.com.
5. Akopito #
Isang Pilipino artist naman na nakabase sa Dublin, Ireland ang nagmamay-ari ng Akopito website na si Kevin Ardinez. Dito makikita ang kaniyang mga likhang artwork na may mga nakasulat na baybayin at mga artikulo niya tungkol sa mga pre-Filipino script na Baybayin, Kulitan at Badlit na nagsimula noong 2010. Ito ay matatagpuan sa akopito.weebly.com.
I have a Bonus! #
6. Wikipedia #


Ang Wikipedia ang pinaka ginagamit upang pagkunan ng mga impormasyon ng mga tao kahit pa na hindi ito pinagkakatiwalaan ng iilan. Pagdating naman sa impormasyon na mayroon ito tungkol sa baybayin at sa iba pang mga pre-Philippine script, ito ay hitik na hitik. Kaya bilang bonus ay isinama ko ito rito at ito ang kanilang artikulo tungkol sa baybayin: tl.wikipedia.org/wiki/Baybayin.